Isang- libong patak ng gunita ang dala
Ng ulan sa ating kutis ay nagbibigay alaala
Ng kahapong natapos na tila isang segundo lamang
Sa orasan ng buhay na walang hangganan
Nilusong ang baha na matalinghaga
Naglaro sa dumi na kahanga- hanga
Ang amoy ay tila sampaguita para sa akin
Lumulutang mga pangarap at mga hiling
Hindi ako natutong magpayong
O kahit maghanap ng maayos na silong
Ang ulan ay dapat nating tangkilikin
Ang bawat kulog at kidlat ay sining
Huwag kang matakot na ika’y maulanan
Sapagkat ang pasma ay nasa isip lamang
Damhin ang patak ng ambon sa bibig
Simbolo ng malikot at minsanan lamang na pag-ibig
No comments:
Post a Comment